Pages

Sunday, April 11, 2010

Tubig Sa Tag-init



Oh, kay gandang araw lalo’t kapag ‘di sobrang init o ‘di sobrang maulan. Subali’t karamihan sa mga lugar sa Pilipinas ay apektado sa El Niňo na dumaranas ng matinding init, natutuyo ang mga pananim at nagkakabitak-bitak ang mga lupa sa palayan at ang masaklap na kinakaharap ng maliliit nating kababayan ay pagtaas ng mga pangunahing pangangailangan sa pagkain.

Dito sa aming lugar sa Real, Quezon ay dumaranas din ng matinding init ng panahon, mabuti na lamang at maraming ilog sa mga bundok na katabi ng bayan. At madalas ang pag-ulan. Sagana sa tubig.

Ngunit sa kabila nito ay ‘di rin masasabing magandang karanasan dahil sa sobarang init sa araw at sa gabi’y malamig ang hangin na nagiging sanhi ng pagkakasakit.

Dahil sa ang hanap-buhay ko ay beinte-kuwatro oras at ako ay naka-duty sa gabi at pahinga sa araw, dama ko ang malamig na simoy ng hangin kung gabi na parang nalalapit na ang pasko at sa araw ay hirap naman akong makatulog dahil sa tindi ng init. Mainit din ang hangin na nagmumula sa electric fan.

Ayon sa mga eksperto, ang mga taong may sakit sa puso o hypertension at asthma ay binibigyang babala dahil ang hatid ng ganitong calamity ay ang pag-atake ng ganitong sakit. Dahil sa tindi ng init ng panahon, tayo ay mabilis na nade-dehydrate, at ang kailangan nating gawin uminom ng maraming tubig, walong baso at kung maari’y higit pa upang maayos na mag-circulate ang dugo nang sa gayon ay maiiwasan ang paglapot ng dugo.


Sa gitna ng panahon ng tag-init ay nakararanas din kadalasan an gaming lugar ng halos ilang linggong walang ulan, Sa kabila pa rin mun ay may mga ilog at tubig sa dagat ang maaari naming paglanguyan na hindi na namin kakailanganing humanap pa ng resort sa malayong lugar,

Ang pinagmumlan ng inumin ng mga tagarito ay mula sa bukal na nasa banding itaas ng kabundukan, malinis at inaalagaan ito ng pamahalaan n gaming bayan.

So, kung ang inyong lugar nakakaranas ng kahirapan ng tubig o ibig nyong maglangoy sa tubig ilog o dagat ay welcome po kayo sa aming munting bayan. Napakahaba ng mga baybaying dagat at malinis ang tubig.


See Ya!!

No comments:

Post a Comment