Marami sa sa ating mga Pinoy ang nakakaalam tungkol sa Brown Rice, pero marami din sa atin ang kulang ang kaalaman tungkol dito. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang Brown Rice ay nangunguna sa nutritional value kung ikumpara sa White Rice na kinamulatan na nating isaing.
Ako man ay kailan kong nalaman ang kahalagahan nito sa ating kalusugan. Napakayaman pala nito sa fiber na tumutulong sa pagcontrol ng calories at cholesterol. At ayon pa sa mga gumagamit nito ay tumutulong din ito sa pagcontrol ng blood pressure. Mainam at mayaman sa nutrisyon ang White Rice pero mas higit ang daming nutrisyon ang makukuha sa Brown Rice.
Paano nga ba ito iluto at kainin?
Ang kaibahan nito sa pagsasaing kung ikumpara sa White Rice, mas mahabang oras ang kailangan sa Brown Rice. Maaaring mapabilis ito kung ibabad ito sa tubig mula 30 minuto - 1 oras.
Kung sanay kang kumain ng White Rice ay medyo maninibago ka sa pagkain ng Brown rice. May kakaibang amoy at lasa ito na di mo kagigiliwan hanggat't masanay ka rito. Ngunit may mga paraan din kung paano mo ito kagiliwan. Tulad halimbawa ng pagdagdag dito ng ilang ingredients, sa sinangag, lugaw o kakanin. Maaari ding ihalo ito sa mga ulam na may sauce.
Pero ako, kapag kumakain nito ay hindi ko iniisip ang kung ano man ang maging lasa nito, mahalagang isipin ko ay ang mga nutrisyon na makukuha ko mula sa Brown Rice.
Sa atin sa Pilipinas ay may mga bigasan nagbebenta nito, medyo may kamahalan nga lang sa karaniwang White Rice. Pero may mas mahal pa ba sa pag-iingat ng kalusugan natin?
Thanks, sa Green Living Tips, natutunan kong kainin ito. For more information about Brown Rice you may click the URL below.
photo from the artcle by Faridah Begum/fbegum@thestar.com.my
Happy eating...
See Ya!!