Pages

Wednesday, March 31, 2010

Fasting, Uso pa ba?

I just still remember noong maliit pa ako na nasa pangangalaga ng mahal na yumao kong Lola. Palasimba siya at lagi niya akong kasama. Sa katunayan nga ay siya ang nagturo sa'kin kung paano magkrus at magdasal.

"Ave Maria, conci vida..."

Ilan lang yan sa mga Latin words na dasal na itinuro niya sa'kin. At mula sa araw ng Lunes Santo ay umpisa ng "Pasyon" o dasal-awit na may pinagbabasehan silang libro na tinatapos nila yun hanggang Biyernes Santo, araw at gabi.

At mula sa oras ng pagkamatay ni Kristo sa Krus, ang matatanda ay di kumakain ng kahit na ano (Fasting) hanggang sa muling pagkabuhay. Maraming bawal, bawal ang maligo, bawal magsuklay o manalamin at bawal ang alak.

Hanggang sa magka-isip ako ay namulatan ko na ang tradisyong yon sa lugar na aking kinalakihan.

Ngunit nang mag-mature na ako at makapagtrabaho sa ibang lugar ay sa Simbahan ko na lang ipinapagpatuloy ang aking kinamulatan. Subalit dala marahil ng pagbabago ng panahon o sa pagiging moderno ng kulturang Kristiyanismo, kasabay ng pagiging abala sa iba't ibang gawain ay unti-unti kong nakakaligtaang gampanan ang aking kinamulatang gawain sa panahon ng Kuwaresma.

At halos ay tuwing araw ng pagkabuhay na lang ako nakakasimba. Wala na rin ang "Fasting". Kapag napadaan ako sa grupo ng mga kaibigan ay ayon at inuman ang inaatupag sa halip na magtika o mangilin sa araw ng Biyernes Santo.

Sa ngayon at sa mga ilang taon na nagdaan ay napansin ko na wala na ang tradisyon o kung meron pa man ay kulang na at naiba na ang paniniwala lalo na ng mga kabataan ngayon.

Oo nga't isang uri ng Holiday ang panahon ng Kuwaresma, ngunit sa paniniwala ng maraming kabataang Kristiyano ngayon ito ay "Bakasyon". Bakasyon sa eskuwela at bakasyon sa trabaho.

Ano na nga ba ang kahalagahan ng "Fasting" ngayon? I just observe not even in my place at sa ibang lugar man, kapag araw ng Byernes Santo, puno ang mga beach, pubhouse, videoke, restaurant o kahit sa bawat terrace ng mga bahay, ang kasayahan ay umaalingawngaw sa buong kapaligiran.

Marami akong napagtanungan ukol sa bagay na ito at isa lang ang naging tugon ng karamihan.

"It's up to you my friend." And I realized, it's GONE. But hopefully STILL.

See Ya!!

No comments:

Post a Comment