Pages

Wednesday, August 18, 2010

"...kapag may tiyaga..."

Aba'y ano ga? Kumusta po kayo d'yan mga kabayan sa iba't ibang panig ng mundo.
Naging sobrang busy ako nitong mga nakaraang araw at buwang nakalipas. Tinutukan ka kase ang munti kong hanap-buhay, ang mami at lugaw. Maliit lang negosyo ito, pero naniniwala ako na magiging malaki rin ito.

Ang totoo nga niyan e nagsimula ako sa maliit na kapital. 1,000.00 pesos.
Una ay lugaw lang muna ang produkto ko at nakuha ko ang panlasa ng mga kabayan ko rito sa aming lugar. Hanggang sa unti-unti kong mag-combine ng mga panlahok dito. May laman-loob ng baka (Goto), adobong manok o kaya'y atay ng manok. Naisip ko rin na ang lugaw pala ay masarap ding lahukan ng fried chicken and commonly tokwa't baboy, maaari din ang batchoy ng laman-loob ng baboy o igado. At da best din pala ang chicharong baboy. Wow! so we can enjoy a lot of stuff that really match with this LUGAW. So ang lugaw ko po ay hindi lang basta lugaw, hehehe...

After a month, naisipan ko na magdagdag ng mainit na sabaw, ang sikat sa atin na kung tawagin ay MAMI. Napansin ko rin na karamihan sa mga kabayan nating may hang-over, na kagaya ko rin (kung minsan) ay mainit na sabaw ang hanap. Then I made it with different toppings. Chicken Mami Classic, Chicken Mami Cha-Cha (with chicharon baboy on top), Fried Chicken Mami, Chicken Mami Bols (with squid balls on top) and the rest is Chicken Mami-Dadi, yahooo...kakaiba 'to, dito n'yo lang maaring matikman ang mga 'yan, hehehe...

And after a month again, another item ang idinagdag ko sa fastfood ko, ang Starburger na sarili kong timpla ang patties. I called it healthy burgers kase I mixed some healthy vegetables (40%) sa bawat patty.

So now I realized that my little business is on going to BIG little business, right and by next time I am thinking about the expansion of my "lugaw" business maybe in some other location.

Dahil naniniwala akong "...pag may tiyaga, ay may nilaga."

Sa kabila ng hirap ng pamumuhay natin sa ngayon na noon pa ma'y ramdam na natin ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ang karamihan sa atin ay nagtitipid lalo na sa pagkain. Kaya naka-isip ako ng ideyang ganitong pagkain na everyone can afford and so economical.

Pero sa kabila rin ng lahat ng itong tiyaga ko ay sadyang mapagod at maraming gawain ang ganitong uri ng hanap-buhay, pero sabi nga, "...kapag may tiyaga..."

See Ya!!

1 comment:

  1. treacherous and roguish i think it suffer from a great paranoia

    ReplyDelete