Pages

Tuesday, August 24, 2010

Dismayado

Bilang isang kapwa pinoy, ako po sampu ng aming pamilya ay nakikiramay sa sinapit ng mga nasawing dayuhan mula sa Hongkong at China sa nangyaring hostage drama noong 23 this month, na tumagal ng halos 11 oras.

Ramdam ko ang pagkapahiya ng mga pinoy nating mga kababayan dito sa Pilipinas at ng mga kabayan natin sa Hongkong at China, maging sa iba pang panig ng mundo. dahil sa pangyayaring ito.

Ang pagka-dismaya ng ating kakaupong pangulo. Sigurado ako na isang malaking dagok na naman itong humahamon sa isang lider ng bansa. Nakasalalay dito ang kanyang pangalan at kakayahan at ang buong buong bansa.

Isang bagay lang ang natitiyak ko na hanggang ngayon ay tiyak na bumabara sa kanyang lalamunan, ang tanong ng bawat indibiduwal, media,, at mga lider pa ng iba't-ibang lupain...What do you say about this? Saying "sorry" is easy to say, but inside the heart is bleeding, so hard to answer. Mas mainam pang tanungin ng What will you do? Action is easier than sorry. I believe that leader knows what to do.

At sana, sa tulong ni Lord, ay makagawa ng magagandang hakbang ang bago nating pangulo upang mapayapa ang bawat kalooban ng ating mga kababayan lalo na ang mga nasa labas ng bansa at lalo't higit ang mga kaanak at kabayan ng mga nasawian, at mga turistang dumadayo sa atin.

Kung kelan ngayon pa na dumarami nang muli ang mga nagtitiwala sa kapayapaan at kaligtasan ng mga turista na dumadayo sa atin ay muling magdudulot ng takot sa kanila na tumuntong sa napakagandang lupain natin.

Ngunit anumang uri ng hadlang sa pag-angat ng ating ekonomiya ay naniniwala ako na kaya natin kontrolin ang mga ito at magpatuloy ng magpatuloy sa pagsisikap na mapaunlad natin ang bawat sarili upang sama-sama nating mapa angat ang ating bansa.

What I so worry is mga kababayan nating pinoy sa hongkong at China, sigurado ako na dismayado at hiyang-hiya sila sa nangyaring hostage drama. Karamihan sa kanila'y di makatingin ng diretso sa kanilang mga amo o kaibigan dun. I know how they feel because I am OFW too. I wish na hindi sila gantihan ng mga taong galit sa pangyayari.

All we can do this time is keep praying for peace of mind.

See Ya!!

Friday, August 20, 2010

Mahiyaing lol

Isang e-liham ang aking natanggap buhat sa isang matagal nang kaibigan. Siya raw ay nasa Saudi na at masayang-masaya ang napakamahiyain kong kabigan. Akalain mo ba na 12 taon syang nag-apply? At sa wakas ay may kompanyang nagtiwala sa kanya.

Minsan ay nakasabay ko si lol mag-apply, pumila kami at pinauna ko sya sa pilahan. Mangyari ba namang pinagbibigyan niyang mauna ang mga nasa likuran niya.

Nang turn na niya for interview e nagpaalam sa interviewer na babablik na lang daw sya tomorrow? OMG!

Matalino ang kaibigan kong yun kahit sobrang mahiyain. At ang kumag ay ginagamit din ako pag nanligaw sa chicks, akala tuloy ng chikas e ako ang nanliligaw.

Pero masaya rin ako nang ibalita niya sa e-liham niya na nakapag-abroad din sya at pinapagawa niya ako ng kodigo kung paano ang sasabihin niya sa babaeng crush niya ngayon na kasama niya sa opisina.

OMG!

Okey Bro, gagawan kita ng kodigo at sana ay basahin mo na lang sa harap ng chicks mo para di ka mahiyang magsalita hehehe...

Happy Working my friend.

See Ya!!

Wednesday, August 18, 2010

"...kapag may tiyaga..."

Aba'y ano ga? Kumusta po kayo d'yan mga kabayan sa iba't ibang panig ng mundo.
Naging sobrang busy ako nitong mga nakaraang araw at buwang nakalipas. Tinutukan ka kase ang munti kong hanap-buhay, ang mami at lugaw. Maliit lang negosyo ito, pero naniniwala ako na magiging malaki rin ito.

Ang totoo nga niyan e nagsimula ako sa maliit na kapital. 1,000.00 pesos.
Una ay lugaw lang muna ang produkto ko at nakuha ko ang panlasa ng mga kabayan ko rito sa aming lugar. Hanggang sa unti-unti kong mag-combine ng mga panlahok dito. May laman-loob ng baka (Goto), adobong manok o kaya'y atay ng manok. Naisip ko rin na ang lugaw pala ay masarap ding lahukan ng fried chicken and commonly tokwa't baboy, maaari din ang batchoy ng laman-loob ng baboy o igado. At da best din pala ang chicharong baboy. Wow! so we can enjoy a lot of stuff that really match with this LUGAW. So ang lugaw ko po ay hindi lang basta lugaw, hehehe...

After a month, naisipan ko na magdagdag ng mainit na sabaw, ang sikat sa atin na kung tawagin ay MAMI. Napansin ko rin na karamihan sa mga kabayan nating may hang-over, na kagaya ko rin (kung minsan) ay mainit na sabaw ang hanap. Then I made it with different toppings. Chicken Mami Classic, Chicken Mami Cha-Cha (with chicharon baboy on top), Fried Chicken Mami, Chicken Mami Bols (with squid balls on top) and the rest is Chicken Mami-Dadi, yahooo...kakaiba 'to, dito n'yo lang maaring matikman ang mga 'yan, hehehe...

And after a month again, another item ang idinagdag ko sa fastfood ko, ang Starburger na sarili kong timpla ang patties. I called it healthy burgers kase I mixed some healthy vegetables (40%) sa bawat patty.

So now I realized that my little business is on going to BIG little business, right and by next time I am thinking about the expansion of my "lugaw" business maybe in some other location.

Dahil naniniwala akong "...pag may tiyaga, ay may nilaga."

Sa kabila ng hirap ng pamumuhay natin sa ngayon na noon pa ma'y ramdam na natin ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, ang karamihan sa atin ay nagtitipid lalo na sa pagkain. Kaya naka-isip ako ng ideyang ganitong pagkain na everyone can afford and so economical.

Pero sa kabila rin ng lahat ng itong tiyaga ko ay sadyang mapagod at maraming gawain ang ganitong uri ng hanap-buhay, pero sabi nga, "...kapag may tiyaga..."

See Ya!!