Pages

Tuesday, August 24, 2010

Dismayado

Bilang isang kapwa pinoy, ako po sampu ng aming pamilya ay nakikiramay sa sinapit ng mga nasawing dayuhan mula sa Hongkong at China sa nangyaring hostage drama noong 23 this month, na tumagal ng halos 11 oras.

Ramdam ko ang pagkapahiya ng mga pinoy nating mga kababayan dito sa Pilipinas at ng mga kabayan natin sa Hongkong at China, maging sa iba pang panig ng mundo. dahil sa pangyayaring ito.

Ang pagka-dismaya ng ating kakaupong pangulo. Sigurado ako na isang malaking dagok na naman itong humahamon sa isang lider ng bansa. Nakasalalay dito ang kanyang pangalan at kakayahan at ang buong buong bansa.

Isang bagay lang ang natitiyak ko na hanggang ngayon ay tiyak na bumabara sa kanyang lalamunan, ang tanong ng bawat indibiduwal, media,, at mga lider pa ng iba't-ibang lupain...What do you say about this? Saying "sorry" is easy to say, but inside the heart is bleeding, so hard to answer. Mas mainam pang tanungin ng What will you do? Action is easier than sorry. I believe that leader knows what to do.

At sana, sa tulong ni Lord, ay makagawa ng magagandang hakbang ang bago nating pangulo upang mapayapa ang bawat kalooban ng ating mga kababayan lalo na ang mga nasa labas ng bansa at lalo't higit ang mga kaanak at kabayan ng mga nasawian, at mga turistang dumadayo sa atin.

Kung kelan ngayon pa na dumarami nang muli ang mga nagtitiwala sa kapayapaan at kaligtasan ng mga turista na dumadayo sa atin ay muling magdudulot ng takot sa kanila na tumuntong sa napakagandang lupain natin.

Ngunit anumang uri ng hadlang sa pag-angat ng ating ekonomiya ay naniniwala ako na kaya natin kontrolin ang mga ito at magpatuloy ng magpatuloy sa pagsisikap na mapaunlad natin ang bawat sarili upang sama-sama nating mapa angat ang ating bansa.

What I so worry is mga kababayan nating pinoy sa hongkong at China, sigurado ako na dismayado at hiyang-hiya sila sa nangyaring hostage drama. Karamihan sa kanila'y di makatingin ng diretso sa kanilang mga amo o kaibigan dun. I know how they feel because I am OFW too. I wish na hindi sila gantihan ng mga taong galit sa pangyayari.

All we can do this time is keep praying for peace of mind.

See Ya!!

No comments:

Post a Comment