Service Crew sa KFC Festival
A Warm Thank You!
Matagal na rin ako sa serbisyo sa F&B. Napakaraming customers na ang napagsilbihan ko at mga co-workers na nakasalamuha ko. May suplada, pilosopo, kuripot, galante, magalang, at may mga mahirap kausap, etc.
Malimit din sa kanila ay may nakakalimutang gamit, ang mahalaga ay binabalikan at ang iba’y hindi na. Pero hinahabol namin sila para ibigay ang naiwan nila sa mesa o upuan.
May mga mangilan-ngilan sa serbisyo na itinatago na lang nila ang naiwang gamit lalo na kung ito ay mahalaga, tulad ng wallet, cell phone, o alahas. Sa hirap ng buhay ngayon ay katukso-tukso ang makakita ka ng pera na naiwan sa harapan mo.
February, Saturday ng around 7 in the evening ay nasa KFC Festival ako at ang mother ko, sister at pamangkin. Kumain kami duon. Order ako sa counter at dun din ako nagbayad. Malapit sa entrance ang mesang kinaupuan namin nang may lumapit na service crew sa amin.
“Ah, excuse me, sa inyo po ba itong wallet? Naiwan n’yo yata sa counter.” Magalang niyang tanong sa akin. May I.D. kase ako dun kaya siguro niya namukhaan na ako ang nakaiwan ng wallet. Halos mamutla ako dahil andun lahat ng pera at importanteng cards ko.
Di ko malaman kung halikan ko siya o yakapin sa tuwa. Pasalamat lang ang tanging response ko sa honest na crew.
Sayang at di ko man lang natanong ang ngalan niya. Ganun pa man, MORE POWER to the staff of KFC Festival, keep the GOOD work. Maganda ang magiging kinabukasan mo, di bale, naniniwala ako na may darating na blessings sa ‘yo.
Salamat! Maraming salamat!
See Ya!!
-
No comments:
Post a Comment