Pages

Thursday, March 26, 2009

Pinoy Sa Abroad: Gamitin Ang Isip Hindi Ang Bulsa

Buhay Pinoy sa Abroad


“Hindi natin makikita ang pagkakamali at ‘di tayo matututo kung hindi tayo
magkakamali.”gil09


Patuloy pa rin tayong nakikipagsapalaran sa labas ng bansa, gayong napakaraming trabaho at pwedeng pagkakitaan sa sarili nating bayan. Ngunit hindi pa rin sapat para itustos sa ating pamilya. Kapos at kapos pa rin sa taas ng primary needs sa ating bansa.
Kaya’t kinakailangan ng marami nating kababayan ang magsunog ng balat sa desyerto, makipagpukpukan ng maso sa bansang Arabo, makipagtalo ng English sa Europe at USA, mangamuhan sa mga employer na Intsik, at silbihan ang mga banyaga sa Hotels at restaurants.

Bubunuin ang tatlo hanggang limang taon sa ibayong dagat at uuwing hakot ang mga pinaghirapan. May mga pinoy na marunong humawak ng kinita at karamihan din ay nauuwi sa wala.

Sa ibang bansa ay napakaraming tukso para maengganyo kang gumasta, mga hi-tech na gadgets na mahirap bilhin sa Pinas ang karamihang iniuuwi. Meron din sa atin ng mga ito pero ang problema ay mahirap bitiwan ang perang hawak mo na. Mas uunahin mong ipamili ng pagkain ng ‘yong pamilya.

Karamihan din ng mga umuuwi na may dalang malaking halaga ay napapasobra sa gastusan, blow-out sa pamilya, sa mga kaibigan o barkada, sige lang marami pa akong ipon. After a month ay said na saka magmukhang kawawa.

Marahil naman ay hindi na kailangang bigyan pa ng payo ang mga kaibigan nating OFW hinggil sa paggasta ng pera sa tamang paraan dahil alam na natin kung ano ang dapat at hindi dapat.

Bawat isa sa atin na bumibyahe sa first time ay nakikita natin ang ating mga pagkakamali sa unang pag-uwi at ang susunod na byahe ay may nakalaan nang plano kung paano at para maiwasan ang maling paggamit ng pinaghirapan.

So, para maiwasan ang mga ganitong walang kuwentang kagastusan ay makinig sa mga may karanasan na, lalo na ang mga first timer. Gamitin ang isip hindi ang bulsa.

Laging ispin kapag ikaw ay nasa abroad, dapat kang maka-ipon, trabaho muna at sa huli na magpasarap. Tinitiyak ko sa ‘yo, uuwi kang tagumpay.

Mabuhay ang mga OFW!!

See Ya!!

No comments:

Post a Comment