Pages

Monday, March 30, 2009

Snap-Shot To A Growing Innocent


Let them a way to the heart...


Giving a great smile for the brighter future...


Tomorrow is the great day to move on...


Leading a way to the new generation.


Kids from Real, Quezon

See Ya!!

Pinoy Sa Abroad: Sneak-Out

I took this view from my prosumer camera with 7.2 mega pixel in medim temperature of high noon with a low sunlight. I consider it a perfect shot.

I named a title of "Sneak-Out". A short escape between your time.

Because we were at the middle of working hours. We gathered and brought some foods in the park somewhere in Cheras, Malaysia. That was about lunch break.

A bit of refreshing and unwinding around the green leaves and trees. A great way of escaping and keeping yourself away from the crowded space and noisy machines in the city. A way for giving our minds and body to free and relax.

If you are busy in your work and feel grounded, then don't let the stress be in your body and mind. Sneak yourself out even once a week, fly and land in a green place and you'll be refreshed right after.

I assure you a 100% guaranteed satisfaction. Hehehehe...

Hello to Brenz, Litz, Mary "kulet", and Malou.

See Ya!!

Saturday, March 28, 2009

Phil's e-JEEPNEY


e-Jeepney or an electric powered jeep, panlaban nga ba sa polusyon at climate change?

Kuha ang larawang ito more than a year ago, na nabasa ko sa isang Malaysia newspaper at may naglaro sa isipan ko kung sakali't magiging ganito na lahat ang mga kotse e, t'yak magkakaroon din ang mga bus, then the boats, chopper and planes.

Pwede 'di ba? See the Light Rail Transit, it is working.

So, posibleng magkaroon na ako ng totoong remote control na car! Hehehe...


See Ya!!


Friday, March 27, 2009

Mahusay na Ideya

Mahusay na Ideya
Dagdagan Pa

Maitim na usok mula sa tambutso ng mga sasakyan. Sala-salabat na mga tumatawid, buhol-buhol na mga sasakyan.

Karaniwan na tanawin sa kanto ng Bicutan at Ortigas highway. Sa tuwing magagawi ako roon ay lagi kong naiisip na sana ay may Punong Bayan na makaisip na palagyan ng overpass ang mga lugar na ito. Napakahirap tumawid, delikado at abala sa trapiko.

Then after five years na mapadaan muli ako roon ay napangiti ako dahil sa magandang ideya na ginawa doon. Napakalinis na ng ibaba at safe ka nang makatawid. You can access from the left and right on your way.

Pero sana po ay madagdagan pa ang ganito sa lugar ng Sucat highway. Grabe pa rin ang tanawin.

Pasensiya na po dahil ayaw kong bumanggit ng mga pangalang opisyal dahil hindi po ako politiko at ang layon ko lang ay mag-share ng mga good things para sa mga friends natin.

Konti pang desiplina ang kailangan natin para mabawasan ang problema sa trapiko. Naalala ko ang mga litanya ni Mr. Rod Navarro+ nung nabubuhay pa siya.

“Sa atin magmumula
ang ating ikasasama,
At sa atin din manggagaling
ang ating ikagagaling.”

See Ya!!

Weird & Conjoined Creatures

Front and Rare Sight

Ipinakita sa larawang ito ng isang farmer na si Liu Shuping ang isang piglet na mayroong iisang ulo ngunit may dalawang bibig, dalawang ilong at tatlong mga mata. Ang larawang ito ay kuha ni Xi'an noong March 8, 2007.

Experts attributed its condition to genetic variation.


Two Conjoined Nile Telapia Fish

Tinagurian silang "Siamese Twins". Kinunan sila ng larawan habang naglalangoy sa isang maliit na aquarium sa Bangkok noong isang taon ang nakakaraan. They are both 8 months and shared parts of thier skin.

Pinoprotektahan ng malaki ang maliit habang naghahanap ng kanilang makakain.


Photo courtesy of The Star/Reuters.
See Ya!!

Thursday, March 26, 2009

Mouth Watering Foods (Yummy!!)

Look!!

Ilan lamang ang mga ito sa mga mouthwatering creation ng La Elisa's Fudhauz ang paborito kong table top yummy.

Fried Salmon Cuts with sauteed Tau-si and spiced up with green chili

Laksang Puso ng Saging with glass noodles


and La Elisa's very own special, Nilagang Pata ng Baboy (Classic Pork's Leg Soup)
Welcome to the La Elisa's new Chef, Glena, because she knows what's the best!
Lutong pinoy, lutong atin.
La Elisa's Fudhauz
...may kakaibang sarap!
Aveno St. Poblacion 61 Real, Quezon
See Ya there!!


Manila and Makati City Today

See the image view of Manila City


And some part in Makati City




Sana mas gumanda pa at umunlad.
See Ya!!


Pinoy Sa Abroad: Gamitin Ang Isip Hindi Ang Bulsa

Buhay Pinoy sa Abroad


“Hindi natin makikita ang pagkakamali at ‘di tayo matututo kung hindi tayo
magkakamali.”gil09


Patuloy pa rin tayong nakikipagsapalaran sa labas ng bansa, gayong napakaraming trabaho at pwedeng pagkakitaan sa sarili nating bayan. Ngunit hindi pa rin sapat para itustos sa ating pamilya. Kapos at kapos pa rin sa taas ng primary needs sa ating bansa.
Kaya’t kinakailangan ng marami nating kababayan ang magsunog ng balat sa desyerto, makipagpukpukan ng maso sa bansang Arabo, makipagtalo ng English sa Europe at USA, mangamuhan sa mga employer na Intsik, at silbihan ang mga banyaga sa Hotels at restaurants.

Bubunuin ang tatlo hanggang limang taon sa ibayong dagat at uuwing hakot ang mga pinaghirapan. May mga pinoy na marunong humawak ng kinita at karamihan din ay nauuwi sa wala.

Sa ibang bansa ay napakaraming tukso para maengganyo kang gumasta, mga hi-tech na gadgets na mahirap bilhin sa Pinas ang karamihang iniuuwi. Meron din sa atin ng mga ito pero ang problema ay mahirap bitiwan ang perang hawak mo na. Mas uunahin mong ipamili ng pagkain ng ‘yong pamilya.

Karamihan din ng mga umuuwi na may dalang malaking halaga ay napapasobra sa gastusan, blow-out sa pamilya, sa mga kaibigan o barkada, sige lang marami pa akong ipon. After a month ay said na saka magmukhang kawawa.

Marahil naman ay hindi na kailangang bigyan pa ng payo ang mga kaibigan nating OFW hinggil sa paggasta ng pera sa tamang paraan dahil alam na natin kung ano ang dapat at hindi dapat.

Bawat isa sa atin na bumibyahe sa first time ay nakikita natin ang ating mga pagkakamali sa unang pag-uwi at ang susunod na byahe ay may nakalaan nang plano kung paano at para maiwasan ang maling paggamit ng pinaghirapan.

So, para maiwasan ang mga ganitong walang kuwentang kagastusan ay makinig sa mga may karanasan na, lalo na ang mga first timer. Gamitin ang isip hindi ang bulsa.

Laging ispin kapag ikaw ay nasa abroad, dapat kang maka-ipon, trabaho muna at sa huli na magpasarap. Tinitiyak ko sa ‘yo, uuwi kang tagumpay.

Mabuhay ang mga OFW!!

See Ya!!

Service Crew sa KFC Festival

Service Crew sa KFC Festival
A Warm Thank You!

Matagal na rin ako sa serbisyo sa F&B. Napakaraming customers na ang napagsilbihan ko at mga co-workers na nakasalamuha ko. May suplada, pilosopo, kuripot, galante, magalang, at may mga mahirap kausap, etc.

Malimit din sa kanila ay may nakakalimutang gamit, ang mahalaga ay binabalikan at ang iba’y hindi na. Pero hinahabol namin sila para ibigay ang naiwan nila sa mesa o upuan.

May mga mangilan-ngilan sa serbisyo na itinatago na lang nila ang naiwang gamit lalo na kung ito ay mahalaga, tulad ng wallet, cell phone, o alahas. Sa hirap ng buhay ngayon ay katukso-tukso ang makakita ka ng pera na naiwan sa harapan mo.

February, Saturday ng around 7 in the evening ay nasa KFC Festival ako at ang mother ko, sister at pamangkin. Kumain kami duon. Order ako sa counter at dun din ako nagbayad. Malapit sa entrance ang mesang kinaupuan namin nang may lumapit na service crew sa amin.

“Ah, excuse me, sa inyo po ba itong wallet? Naiwan n’yo yata sa counter.” Magalang niyang tanong sa akin. May I.D. kase ako dun kaya siguro niya namukhaan na ako ang nakaiwan ng wallet. Halos mamutla ako dahil andun lahat ng pera at importanteng cards ko.

Di ko malaman kung halikan ko siya o yakapin sa tuwa. Pasalamat lang ang tanging response ko sa honest na crew.

Sayang at di ko man lang natanong ang ngalan niya. Ganun pa man, MORE POWER to the staff of KFC Festival, keep the GOOD work. Maganda ang magiging kinabukasan mo, di bale, naniniwala ako na may darating na blessings sa ‘yo.

Salamat! Maraming salamat!

See Ya!!

NOONG BATA PA AKO

Noong Bata Pa Ako…

“Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari…”

“Ang bakya mo Neneng,
Luma at kupas na…”

May mga nakatatanda pa kaya sa mga awiting ito? Hehehe, ako, natatandaan ko ang mga ‘to nung tinuro sa’kin ng mahal kong Lola Sepa nung bago ako pumasok sa eskuwela. (Oh, I missed my Lola & Lolo)

At ito pa kaya?

“Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak…”

Palagay ko’y alam n’yo naman kung sino ang nagcomposed niyan, at nagpasalin-salin sa mga mahuhusay na mag-aawit ang kantang ‘yan.

Makabayan at madamdamin ang bawat liriko na nakapaloob sa awiting ‘yan. Nagpapaalala sa pagiging tunay na kulay ng ating lahi at kultura.

Sa panahong ito, may mga nanghaharana pa kaya?

Isang kulturang kay-tagal din nating niyakap sa halos tatlo hanggang limang dekada.
Isang paraan ng pagpapahayag ng pag-ibig sa pamamagitan ng awit at gitara.

Katabi ko natutulog ang Tita ko noon nang maya-maya ay may narinig kaming tunog ng gitara at himig na nagmumula sa labas ng bahay. Bumangon ang Tita ko at binuksan ang bintana.

“Dungawin mo Hirang…”

Dumungaw nga ang Tita ko, saka mga Lolo at Lola.
Dumungaw din ako. May naghaharana. Simpleng kasuotan at may dala-dala silang sulo.

Natapos ang ilang awit at pinatuloy sila ng Lola at Lolo ko. Inabot sa Tita ko ang isang bungkos na mangga na kapipitas ng isang lalakeng naghaharana. Palibhasa’y wala pang kuryente sa lugar ng Lola ko kaya’t lampara lang ang tanglaw nila sa sala.

Kaya natandaan ko noon kung ano ang harana. Kailangan mong humingi muna ng permiso sa magulang ng babae bago ka umakyat ng ligaw.

May nakabantay na magulang kung minsan o nakikinig sa inyong usapan habang ikaw ay dumidiga.

“susungkitin ko ang mga bituin sa langit, mapasa-akin ka lamang…”

Noong una pa raw, may nagsisibak pa ng kahoy sa bakuran ng bahay ng nililiyag. Sumasalok ng tubig.

Isa, dalawa o ilang buwan (or sometimes it takes years) bago mo makuha ang matamis na “Oo” ng dalaga.

Madalas ding mangyari kapag ayaw ng magulang sa lalake, pero nagkakagustuhan ang dalawa, nauuwi sa pagtatanan. (exciting di ba?)

Pero ngayon? Napakaraming paraan para mapasagot mo ang dalagang gusto mong pakasalan. Wala nang harana, wala nang liham, wala nang tulay…

SMS, Text, YM, Internet Chatting, ke-ano pa man yang de-electronic na communication, napakabilis na ng pagsasabi ng pag-ibig at di ka na maiinip sa paghihintay ng sagot.

Moderno na nga ang Pinoy ngayon, halos lahat ay automatic na ang mga gadgets.
Lumingon ka sa paligid mo, automatic na ang mga prutas na makikita mo sa bahay-kubong de-remote na lahat ng bagay.

Si Juan Tamad kaya, remote controlled na rin? Hehehehehe…..


Bagong bihis lang po ang site na ‘to, sana po ay may mag-share ng kanilang opinion tungkol sa lifestyle, arts and culture nating mga pinoy dito sa “BUHAY PINOY” site.

See Ya!!

Sunday, March 22, 2009

My Trip To Manila



My Trip To Manila

A day before I leave Kuala Lumpur, my company had booked my plane ticket via AirAsia bound to Philippines for the next day flight. And I packed my things up also in that day. Then 9:45pm I took first my pre-supper before I call taxi to go to KL Sentral. Last trip hour for the bus to LCCT is etxactly 10:30pm. But you know huh, the time for flight is 7:20 in the morning so I’ve got still 6 hours to stand by and wait the boarding time at the airport.

While I was there, I moved my cart over here and there to find a place to get connect to the internet. Whoa! So many passengers that time. Eatery also got full of people. Then the corner was the exact place for me. After two hours of surfing I heard an ascending beep, and it was from my laptop. I was in the middle of my work and I haven’t choice but to save and close the windows. I moved my cart again and walked around the entire lobby to find the plug outlet but no where around. Until I spotted a vacant table in the Coffee Bean shop. I hurriedly grab that table and ordered a cup of mocha coffee. Finally, I open again my laptop and started to connect.

Oh! What a funny timing when one crew approached to me and informed “Sorry Sir, it’s closing time.” I almost shouted “Whaat?” I saw every customer starting to leave their table and I must leave too.

Pushing my cart again finding the place for me. That was passed 1:30 in the morning. Outside the lobby, before the entrance, I found an outlet to plug in my laptop and it worked. Exactly 5 in the morning, I checked my luggage in and straightly went through the immigration to the boarding lobby and waited an hour before going up to the plane.

Plane is quite small. Three seated in each side. My knee is almost bumping to the back of my front seat. Because my seat number is seq. # 14 seat # 31A (that means the last seat at the last row) I can not move my body and I needed to stand at the center lane to get straight my knees.

11:05 am at my wristwatch, we landed the Clark Airport at Clark Field Olongapo City. From there, straight to the bus going to Pasay, Manila. Then again, heavy traffic when entering to Edsa highway. It was taken 3 hours, it’s normal anyway, as I experienced all those traffics before.

3:15 pm, I reached the Pasay Bus Terminal. My young brother was waiting there for me and he helped me to carry one of my luggages. We took a ride the jeepney via Alabang and from that point, we took the bus going to Calamba.

I was very hungry, you know. I’d never got the chance to buy my food along the way of my trip.

Then, after checkpoint was Mamatid, Cabuyao by jeepney. And the last vehicle we took was the tricycle which I paid all the remaining seats, (it’s called special trip) from that point to my young sister’s house.

When I sat down, I felt so tiredly and hungry. Whoa! Fried fresh Telapia was the first thing that made me smile and kicked away all my fatigueness. Of course, seeing again my family makes me happy more than anything else.

And also I’m gonna miss my one and only that I left in Kuala Lumpur. Missing ya!!

That was my trip.

See Ya!!