Pages

Wednesday, December 23, 2009

Pasko ng Pinoys Sa Abroad



Kapag narinig mo ang katagang PASKO, ano ang unang pumapasok sa isipan mo?

May mga kababayan akong tinanong tungkol dito at heto ang kanilang mga sagot:
(sinadya ko lang ibahin ang mga pangalan nila)

Jony: regalo sa mga inaanak.

Sandra: hay...kagastusan na naman...padala na naman ako ng...(ping!)

Duran: syempre regalo, handa at lam mo na...hihihi...

Greg, ako...? a, special para sa mga anak ko.

Santos: 'di na kami, naghahanda pag pasko, kumakain na lang kami sa restoran, at...

Andy: naninindig ang balahibo ko, hihihihi....

Fenie: wala lang...basta Pasko lang, ganun.

Gagay: s'yempre ito lang yung araw na dapat magkasama-sama ang buong pamilya kahit sa isang taun, pero hiwa-hiwalay kami, yung kuya ko sa London, Si Mama at dalawang kapatid ko nasa Davao, Si Papa at ate ko ko nasa Manila at ako nandito sa Hongkong, pag minsan sa Malaysia...(naiiyak na), wag na nga lang...

Jaya: masaya, tsaka s'yempre kelangan magregalo ka rin para biyayaan ka ni Lord...

Helina: Of course, naiisip mga x'mas tree, gifts, ibat-ibang ilaw, x'mas songs, marami...marami akong naiisip.

Kaye: naiisip ko pamilya kosa Pinas.

Raul: padala para panggastos sa Pasko nila sa Pinas.

Sabrina: padala ko sa mga bata, regalo, pera...ganyan lang tapos trabaho dito...

Gas: bahala na kung ano maisipan gawin sa Pasko...o kaya'y inuman, basta bahala na...

Kasoy: makikain na lang kung saan may handaan, hirap ng pera dito, Pare. hehehe...

Kayo mga Bro's, How?

HoHoHoHoHoHo......
(note) Some people within this photo are not "pinoys", like my friend from Nepal; and the mother & daughter from Myanmar, they joined and enjoyed in our x'mas party.

See Ya!!

Tuesday, December 22, 2009

Pasko Na Naman, O Kay Tulin Ng Araw...

...paskong nagdaan tila ba kung kelan lang...

Opo mga Bro's, ambilis ng araw ngayon, kelan lang eh Pasko at nagkakasayahan ng konte sa bahaykahit ilan lng kami dun, at ngayon ay heto na naman at mukhang magiging abala na naman sa pagluluto ang aking mahal na misis, katulong ako s'yempre sa paghahanda...hehehe tradisyonal nating kinagisnan yaan, ke porke meron kang bisita o wala ay kelangan nating painitin ang puwitan ng mga kaserola at kawali, magbalot ng mga regalo at maghanda ng maraming barya- hehehehe. Para daw ang swerte ay hindi magtampo sa tin sa pagpasok ng bagong taon.

Dito sa kinarororonan ko ngayon sa Malaysia, abala na rin ang mga Pinoys dito sa paghahanda sa Kapaskuhan, marami sa mga nagtatrabaho dito ay maagang humingi ng leave para sa kaarawan, may mga grupo na nagsasalu-salo sa isang bahay, mga religious community naghahanda in ng party at mga indibiduwal na itini-treat ang sarili sa labas.

Split muna ako mga Bro's...kita-kita tayo sa Pasko.

Maligayang Pasko sa inyong lahat...!

See Ya!!

Wednesday, December 16, 2009

Bulkan Mayon: Noon at Ngayon

Ang Mayon Volcano na matatagpuan sa South East Luzon ang pinaka-aktibong Bulkan sa Pilipinas. May taas na humigit-kumulang sa 2462 m, na nasa area ng Albay Gulf. Ayon sa historical record (batay sa nakuha ko sa Smithsonian: National Museum of Natural History), ang Dambuhalang Bulkang Mayon ay nagbuga na ng halos 40 beses ng mga nagbabagang bato O "lava" magmula noong 1616.


At ngayon ang panganib na muling pagsambulat nito ay nararamdaman na naman.

Sa mga residenteng naninirahan sa paligid nito marahil ay aware na sila tungkol sa panganib at mabuti na lang at maagap ang ating awtoridad sa pag-alarma sa bagay na ito.


Ang larawan ng Bulkang Mayon na nakikita n'yo dito ay kuha pa noong 1968 ni Kurt Fredrickson (Smithsonian Institute)


Mapapansin ang katiwasayan at katahimikan ng paligid nito kung nasa ganitong sitwasyon. Siya ay natutulog, ngunit nananatiling aktibo sa habang panahon.
Source: Smithsonian
National Museum of Natural History
Global Volcanism Program
See Ya!!

Monday, November 16, 2009

Silver Man


Kung tagurian siya'y "Silver Man".
Siya ay taong buhay at hindi taong rebulto. Isa ito sa mga atraksiyon na nakakatawag pansin sa mga lokal at dayuhan na namamasyal sa popular na lugar na ito, Bukit Bintang sa pusod ng Kuala Lumpur.

Kinulayan niya ng silver mula ulo hanggang paa ang kanyang buong katawan at pupuwesto siya na animo'y isang rebulto. Mapapansing may sumbrerong nakatihaya sa kanyang harapan na kulay silver din. At may dalawang babae na naka-pose sa magkabilang tagiliran, nagpakuha ng larawan at kapagkuwa'y naglagay ng pera ang dalawang babae sa sumbrerong nakatihaya sa harapan ng Silver Man.

Curious lang ako nun kaya't kinunan ko ng larawan ang senaryo. Lumitaw sa isipan ko na isang paraan ng taong ito ang ganitong eksena upang siya ay kumita. Simple at nakakapag-aliw siya sa mga dumadaan dito.

Hummn... tingnan mo nga naman, sa halip na magsuot siya ng marumi at punit na damit saka nakasalampak siya sa gitna ng daanan at hawak ang sumbrero, mas magandang ideya ang ganitong paraan na kanyang naisipan.

Pwede kong tawaging "the Art of Making Money" ang kanyang ideya, hehehe...

Okey! Patok ang taong 'to...! Oppsss! Gayahin kaya ng ilang kababayan natin ang raket ni Silver Man?

Sa palagay mo...?

See Ya!!

Wednesday, November 11, 2009

Mouse Kiosk?

Ang disenyo ng Kiosk na ito ay halaw (kung di ako nagkakamali) sa hugis ng mouse ng computer.
Cool di ba? Kakaiba.

Nakunan ko ng picture ito na nasa gitna ng Bukit Bintang, Kuala Lumpur.


See Ya!!

Todos Los Santos

Simula ng tayo ay maging Kristiyano, tayo ay naniwala nanampalataya sa kagalingan ng Poong Maylikha.
Naniniwala tayo na ang mga kaluluwa at espiritu ng mga yumao ay aakyat sa langit at mananahan sa Kaharian ng Maykapal.

At sila'y doon muling mabubuhay ng walang hanggan.
At sa mga kaluluwang nananatili sa lupa ay may mga dahilang hindi natin kayang ipaliwanag.
Kung kaya't tuwing sasapit ang ganitong season o araw ng pag-gunita sa kanila ay hindi natin nalilimutan ang ipagtirik sila ng kandila at ipagdasal ang kanilang katahimikan.



Ang mga larawang ito ay kuha mula sa St. John Cathedral na nasa patyo ng Bukit Nanas, Kotaraya, Kuala Lumpur noong uno ng buwang Nobyembre.
Pinupuntahan ng maraming Pinoy na nagtatrabaho sa bansang ito ang lugar na ito. Lalo't kapag araw ng linggo bilang araw ng pahinga sa trabaho.
See Ya!!



Sunday, August 2, 2009

Missing Ya All

Whoaa... It's been a couple of months I never touch my keyboard.

Due to my hectic schedules in my job and other things like searching new ideas, thoughts and weird things.

Mga kakaibang uri ng mga pamumuhay ng mga pinoy sa loob at labas ng Pilipinas...

I will feature those things and happenings in the future...

See Ya!

Wednesday, May 27, 2009

Saturday, May 23, 2009

About: Periodic Time 2

Names Of Months

The names of the months in English come from Latin words. The traditional concept arose with the cycle of moon phases; such as months last - 29.53 days. From excavated tally sticks, researchers have deduced that people counted days in relation to the Moon's phases as early as the Paleolithic age.

-JANUARY-
Januarius - this month is dedicated to Janus, the Roman god of doors. Janus has two faces, one looking back at the old year and the other looking forward to the next year.

-FEBRUARY-
Februarius - Februa was the Roman purification festival, which took place at this time of the year.

-MARCH-
Martius - from Mars, the Roman god of war.

-APRIL-
Aprilis - from aperire, latin for open, because plants begin to open this during month.

-MAY-
Maius - probably comes from Maia, the Roman Goddes of growth and increase.

-JUNE-
Junius - either from a Roman family name Junius, means young, or perhaps after the goddess Juno.

-JULY-
Julius - after Julius Ceasar. This month was named in Ceasar's honour by Mark Anthony in 44BC.
Previously this month was called Quintilis from the word Quintus, five, as it was the fifth month in the Roman calendar.

-AUGUST-
Augustus - named in 8 BC in honour of Emperor Augustus.

-SEPTEMBER-
September - from septem, seven, because it was the seventh month in the Roman calendar.

-OCTOBER-
October - from octo, eight, (as in octopus, which has eight legs), the eight month in the Roman calendar.

-NOVEMBER-
November - from novem, nine, the ninth month in the Roman calendar.

-DECEMBER-
December - from decem, ten, the tenth month in the Roman calendar.

So that was how they named the months in the Roman calendar.

And Hey! Just a second...

A second does not sound very long, but by the time you have read this sentence, almost five of them will have gone by.

Watch an average film and more than 5,000 seconds wil tick away.

In a lifetime of 80 years, there are more than 2.5 billion seconds - but you will spend more than 800 miliion of them asleep.

Period Seconds

1 minute 60

1 hour 3,600

1 day 86,400

1 week 604,800

1 year 31,536,000

So, from this time table of seconds you can calculate how many seconds you have lived from the time you was born up to this time...


See Ya!!

Thursday, May 21, 2009

Higanteng Bulaklak at Gulay

Mula pa rin sa mga nakaraang pahina ng Star Malaysia newspaper.
Rafflesia: Ang bulaklak na ito ay natagpuan mula sa mayamang kagubatang bahagi ng Malaysia
(click the image to view larger)

Ipagpaumanhin nyo po, di ko nakuha ang mga detalye ukol sa pinakamahabang petola sa asya. Ang mga larawang kuha ay totoo at hindi guni-guni lamang.

Abangan ang mga higanteng tao sa buong mundo...
See Ya!!

About: Periodic Time

Hey! mga Bro's and Sis's, lahat tayo'y marunong tumingin at bumasa sa kalendaryo, pero karamihan pa rin sa atin ay hindi pa alam (tulad ko, pero parang alam ko na dati, nakalimutan ko na lang, hehehe) kung paano nila (ng mga dalubhasang siyentipiko) ginawa at saan kinuha ang mga pangalan ng araw sa kalendaryo tulad ng monday, tuesday, wednesday, thursday, friday, saturday at sunday. I-share ko sa inyo ang nahalungkat ko sa mga lumang artikulo sa diyaryo.

Naming The Days Of The Week

From the ancient Babylonians, then the Romans, named the days of the week after planets and other bodies they saw in the sky.

-Monday-
Moon's Day

-Tuesday-
Tiu's Day: Mars, the Roman god of war, was adopted in Scandinavian mythology as the warrior Tiu or Tiw.

-Wednesday-
Woden's Day: the Roman god Mercury became the Scandinavian god Woden.

-Thursday-
Thor's Day: like the Roman god Jupiter, Thor was a thunder god.

-Friday-
Freyja's Day: like Venus, Freyja or Frigg was the goddess of love.

-Saturday-
Saturn's Day

-Sunday-
Sun's Day

Sa susunod saan galing ang mga pangalan ng buwan sa kalendaryo...


See Ya!!

Tuesday, May 19, 2009

Hog-mongous Bigger Than Hogzilla?

In this photo released by Melynne Stone, Jameson Stone, II, poses with a wild pig he killed near Delta, Alabama. Stone's father says the hog weighed a staggering 476.73kg and measured 2.74m from the tip of its snout to the base of tail. If claims of the animal's size are true, it would be larger than "Hogzilla", the huge hog killed in Georgia in 2004. - AP
"It's a good accomplishment. I probably won't ever kill anything else that big." -Jameson Stone

Whoa!!

Akalain mo, lumaki ang baboy na yun ng ganun kalaki! Sabagay, di na nakapagtataka ang panahon ngayon. Marami nang naglalabasang mga kababalaghan na dati ay napapanood ko lang sa pelikula o nababasa ko lang sa mga komiks.

Sa next post ko, makikita nyo naman ang mga higanteng gulay at bulaklak...hehehe...

See Ya!!


Monday, May 18, 2009

Quote of the Week

Changing our inner attitudes is not easy as what we think. But there is a way on how to do it. Just think positive for what you are doing. The way you talk, the way you act and the way you think.


See Ya!!

What Is Computer For Without Internet?

Heto na naman ako sa harap ng computer ko, wala naman akong maisipang gawin o di kaya’y mag-internet lang buong oras. Tinatamad ako ngayon mag play ng games sa computer. Open ko kaya ang Microsoft Word, ano naman kaya ang i-type ko?

Tula…? Kuwento…? Antok na nga ako sa kakaisip pero ayaw ko pa rin i-close ang computer ko.

Ang totoo talaga, alas tres pa (ng umaga) ang tulog ko. Yan ang oras ng tulog ko kase nga may oras din ang gising ko sa umaga. Bilang ko ng lima hanggang anim na oras ang tulog ko. Sa loob ng limang oras na tulog e nagigising na ako ng kusa, ‘nauuna pa nga ako sa alarm ko’, tapos humihirit pa ako ng isang oras- ‘pero bihira lang yun hehehe’.

Nung una’y wala akong internet connection, puro lang ako edit ng mga pictures, or magcollect ng mga songs at makinig, or madalas nalilibang ako sa paggawa ng video clips using the windows movie maker and some games.

Pero ngayon, may internet na ako at ngayon ko lang na-realized na totoo pala ang sabi ng iba na “what is the use of computer without internet connection?” Since na nag-connect ako, I fells I connected to the whole world and I’m not alone anymore in my room. I can able to talk with my friends via chatting. And how wonderful that computer technology brings today, akalain mo, natagpuan ko kung saang lupalop ng mundo naroon ang mga friends kong matagal ko nang di nakikita, in fact, di ko na inisip na makikita ko pa sila ulit. But by today’s technology I have found them through internet.

Thanks for the people who invented this computer and internet. It’s a BIG help.

At ang nagpakulay ng mundo ko ay nang matutunan kong mag-create ng sarili kong room sa web at blogging. Parang pakiramdam ko’y napakalaya ko o ang luwang ng space ko sa mundo. Kase, lahat ng naiisip ko, lahat ng gusto kong sabihin ay nagagawa ko sa blogs ko. Yung mga bagay na gusto kong i-share sa mundo ay nagagawa ko ngayon.

Pag-uwi ko galing sa trabaho ay diretso open ang computer ko, checking my emails and my blogsites. And you know? Nawawala ang pagod ko lalo’t kapag nalaman kong may nagbabasa rin pala ng mga kabaliwan ko sa blogs. Daig ko pa ngayon ang “ADIK” sa computer. Boring ang isang araw ko kapag hindi ako nakaharap sa computer, OMG!

Ok, marami na pala akong nasabi eh, kanina lang wala akong maisipang gawin, katapos ko lang kase mag post sa mga blogsites ko, tulog na rin mga ka-chat ko.

Huummmnn…antok na rin ako, owkie mga Bro’s, sana post message nyo rito kung mapadaan kayo rito ha.

See Ya!!

Wednesday, May 13, 2009

A Man & A Dog: Million Words & Colors




This picture express a million words between a man and a dog. And it creates million colors behind their life.

Friendship defines closeness between two or more persons. But whether you believe it or not, friendships may end up at no reasons.

Friendship between a man and animal (like dog, cat...) is deeply defined forever closeness and it's proven by many pet lovers.

Example of a dog in your house, how much the way you treat them, they will stay at your side and care for you all the time.

As I stare this picture, I remember Bart, name of our family's dog. A black-haired male dog. He is a friendly dog. He knows the time when I wake up in the morning and he always go walking along with me. He walk ahead of me and smell the path to make sure that I am safe to walk leading to which way I'm going through.

Even though a couple of years I never see him, then he was so happy when I'm home. He still know me. The last time I was gone away and returned home, there was no Bart around, never heard his bark. Then I asked my mother, "Where is Bart?" Then my mother told me that he was disappeared without reason. Bart had just went around the neighbors and never came back and no report for details how he disappeared.

I feel so sad and pity with him. Until this time I missed him, oh poor dog.

"Love your pet as they love you back more than their life..."


See Ya!!

Tuesday, May 12, 2009

Summer of May, "may yelo?"



Buwan ng Mayo. Usapin ukol sa mga Manggagawa, Summer Feasr, Tag-nit, Bakasyon sa eskuwela, Flores de Mayo, Piyesta ng mga Baranggay, Beach Camping/Outing, ilan lamang ang mga 'yan sa mga pinagkaka-abalahan sa tuwing sasapit ang Mayo ng mga Pinoy.
Itong buwan ang pinaka-busy kaysa sa Christmas seasons dahil sa dami ng events. At dahilan din sa tindi ng init na dala ng panahong ngayon ay tiyak na maiisip mong mag-out of town, ang iba'y nagtutungo sa mga malalamig na lugar sa ibang bansa o karamihan ay nagbababad sa mga malls, resorts, beaches, at malamig na tubig ng ilog.
Pero mayroon akong kakilala na ayaw niyang lumabas ng bahay kahit sa kainitan ng panahon. alam n'yo ba kung saan lang siya nagbababad?
Sa loob lang ng kanyang kuwarto. Walang aircon at isang maliit na binta lang ang tanging dinadaanan ng hangin. At sa panahong mainit ay gumagawa siya ng yelo o nag-iistak sa ref at bago siya matulog ay ibinubuhos niya lahat sa malaking BATYA at hahaluan ng konting tubig at doo'y lulubog siya na parang isdang may yelo. Hehehe...totoo po, dangan nga lang at di ko siya nakunan ng larawan. Marahil ay ganyan ang kanyang paraan kung paano i-beat ang INIT.
Sa mga bakasyonista, konting ingat lang po sa mga lugar na inyong pupuntahan lalot't hindi kayo sanay sa lugar.
Ganun pa man, Enjoy this May Summer...
Hahahaha...Sarap ng tubig na may yelo..!
See Ya!!

Quote of the Week



Yeah, I believe to Mr. William Jennings Bryan that we can't make our destiny by just waiting for a chance. It is your choice. So we must be very very careful to choose one that could not we cry at the end.

If you have an idea to discript it just follow your heart.

See Ya!!

Saturday, May 9, 2009

Para Sa Lahat Ng Nanay...



Isang napakaganda at masayang bakasyon po sa buwan ng Mayo ang bati ko sa lahat ng mga Mothers. Para sa inyo po ang dakilang araw na ito. Mahal na mahal po namin kayo.

NANAY

Siyam na buwan mo akong dinala sa iyong sinapupunan

Siyam na buwan mong inasam-asam na masilayan kung kamukha mo nga ba ako o kahawig ng tatay ko

Wala pa man ako sa mundong ito

Ay pinaplano mo na kung paano mo ako aalagaan at bibigyan ng magandang kinabukasan

Nanay na nagluwal. Napupuyat sa pagtimpla ng gatas. Oras-oras, minu-minuto ay dinadama ang likuran ko kung basa ng pawis dahil takot kang magkasakit ako.

Kahit makulit at malikot ako ay ibinibigay mo lahat ng gusto ko dahil ayaw mong maging malungkot ako.

Ang ibig mo'y lagi ako sa tabi mo, ikaw ang aking unang kalaro at tagapagtanggol anumang oras

Ikaw ang una kong guro, nais mo'y maging matalino ako

Di man ako kasing talino ng iba ay proud ka pa rin dahil bibo naman ako

Pinalaki mo akong may takot sa Diyos at marunong makipagkapuwa

Kahit natutunan kong magsinungaling at maglihim sa iyo

ay inuunawa mo pa rin ako dahil ikaw ang unang taong nakakakilala ng pagkatao ko

Kapag nasa malayo ako ay inaalala mo ako, dugo at pawis ang tinustos mo makatapos lang ako sa pag-aaral dahil gusto mo'y 'wag akong matulad sa hirap na dinanas mo

Halos maluha ka sa galak ng makatapos ako at nagkaroon ng trabaho

Lagi mong pinapa-alala sa akin na mag-ipon ako para sa kinabukasan ko

Bakas ko sa mukha mo ang kasabikan sa tuwing uuwi ako sa piling mo at iyong uusisain ang aking kalusugan sa halip na ipakita mo sa akin ang iyong karamdaman

Mas minamabuti mo pa ring ligtas ang buhay ko kaysa sa sarili mo

Sa aking pag-aasawa ay maiiwan kang muli, mangungulila, maghihintay sa pagdalaw ko

Kahit nag-iba na ang buhay ko ngayon ay nandiyan ka pa rin palagi

Hindi mo nalilimutan kung ano ang paborito kong pagkain, batid mo ang kilos ko kung may suliranin ako, lagi kang nakahanda sa pagtulong sa akin

Nakakalimot man ako sa iyo ngunit kahit saglit ay di mo ako nalilimutan

Sana araw-araw ay Mother's Day dahil araw-araw ay mahal nyo kami

Sana hindi lang isang araw para ipakita sa inyo kung gaano namin kayo kamahal

Happy Mother's Day Nanay...

See Ya!!

Tuesday, May 5, 2009

Healthy Borwn Rice


Marami sa sa ating mga Pinoy ang nakakaalam tungkol sa Brown Rice, pero marami din sa atin ang kulang ang kaalaman tungkol dito. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang Brown Rice ay nangunguna sa nutritional value kung ikumpara sa White Rice na kinamulatan na nating isaing.
Ako man ay kailan kong nalaman ang kahalagahan nito sa ating kalusugan. Napakayaman pala nito sa fiber na tumutulong sa pagcontrol ng calories at cholesterol. At ayon pa sa mga gumagamit nito ay tumutulong din ito sa pagcontrol ng blood pressure. Mainam at mayaman sa nutrisyon ang White Rice pero mas higit ang daming nutrisyon ang makukuha sa Brown Rice.
Paano nga ba ito iluto at kainin?
Ang kaibahan nito sa pagsasaing kung ikumpara sa White Rice, mas mahabang oras ang kailangan sa Brown Rice. Maaaring mapabilis ito kung ibabad ito sa tubig mula 30 minuto - 1 oras.
Kung sanay kang kumain ng White Rice ay medyo maninibago ka sa pagkain ng Brown rice. May kakaibang amoy at lasa ito na di mo kagigiliwan hanggat't masanay ka rito. Ngunit may mga paraan din kung paano mo ito kagiliwan. Tulad halimbawa ng pagdagdag dito ng ilang ingredients, sa sinangag, lugaw o kakanin. Maaari ding ihalo ito sa mga ulam na may sauce.
Pero ako, kapag kumakain nito ay hindi ko iniisip ang kung ano man ang maging lasa nito, mahalagang isipin ko ay ang mga nutrisyon na makukuha ko mula sa Brown Rice.
Sa atin sa Pilipinas ay may mga bigasan nagbebenta nito, medyo may kamahalan nga lang sa karaniwang White Rice. Pero may mas mahal pa ba sa pag-iingat ng kalusugan natin?
Thanks, sa Green Living Tips, natutunan kong kainin ito. For more information about Brown Rice you may click the URL below.
photo from the artcle by Faridah Begum/fbegum@thestar.com.my
Happy eating...
See Ya!!

Quote of the Week


See Ya!!

Monday, May 4, 2009

Another Electric-Powered Mini Car



Heto na naman ang isa sa ilang bagong imbentong sasakyan na electric-powered na inilunsad dun sa New York, ang 2009 New York International Auto Show. It is something about PUMA or Personal Urban Mobility and Accessibility.

PUMA is a joint project between Segway and General Motors.

It is a two-seat, lithium-battery-powered transportation pod. Capable of reaching 56kph and going 56km between charges.

Ang maganda pa rito, the PUMA pod would be equipped with transponders to help it behave much in the manner of pedestrians on crowded New York streets - they seem to automatically sense one another's space and avoid intrusion or collision.

The PUMA pod, initially expected to be sold to test-bed communities, such as college campuses.
O! ayan mga Bros and Sis, sa susunod na imbento niyan eh, lilipad na yan, hehehe...

Source: from the article by Warren Brown/star motoring/sunday/26 April 2009


See Ya!!

Friday, May 1, 2009

Pag Pumuti Ang Uwak...


I found this image at the pages of Malaysia newspaper and I tear it out to share with you.
May naalala kase ako sa crow na ito. It is my first time to see a white crow o kung tawgin sila ay "Albino Crow". Usually, puro itim kase ang nakikita ko noon.
Nanliligaw ako noong binatilyo pa lang ako sa aming probinsiya. Inabot ko pa ang mga babaeng "pakipot" kung tawagin, hehehe...
Sabi niya, "Pakakasal lang ako sa 'yo kung puputi na ang uwak!"
Wow! Bigat Pare! Puputi kaya 'yun?
And then, here it is! May puti nga palang uwak dito sa bahagi ng Malaysia.
Lagot siya sa akin. Pero sayang, huli na...hehehe...
Dagdag pa, alam n'yo bang dito sa Malaysia ay naglipana ang mga uwak sa kampong at siyudad?
Malayang lumulipad ang mga uwak kahit sa gitna ng tarpiko, walang gumagalaw sa kanila. Katunayan nga, sa 11th floor na tinitirahan ko ay mga huni ng uwak ang alarm ko sa umaga.
Amazing di ba? Uwaaaakk...uwaaakk...uwaaakk...
See Ya!!

Sunday, April 26, 2009

Quote of the Week


This is one of my favorite quote by Abaraham Lincoln. He says, having your own resolution is more important than any matter to succeed.

See Ya!!

Sunday, April 19, 2009

A Life To Live

A Life To Live
by Gil Ramas
This is my latest creation, "A Life To Live". Using water colors.
The theme of this creation is just missing old times where the place is so peaceful and out of disturbance. Natures touching my way of living with full of meanings in life.
Since my childhood years, I discovered my skills in drawing. I spend more time in my drawing than playing with my friends. I draw what I see, what on my mind and without concepting the subject. I failed to take this course during my college due to financial problem. But I never quit to draw. Then I realized that it is my talent that could never fade. I go often to the painter's shops and watch them painting, I read books free at the Art Books Gallery, then I've known that I can improve my skills without going to pay in school. But I still need to know more about the techniques to be a professional.
For now, I'm a professional on my own, hehehe....
See Ya!!

Quote of the Week

Yes be tough enough to follow through your ability and must have confindence with it.

See Ya!!

Two-Headed Snake

In South Africa, this snake which has two-headed was born in captivity in Northlands Pets pet shop in Durban after some eggs were incubated.
Sa panahong ito ay hindi na nakapagtataka sa mga imposibleng pangyayari o mga bagay na may buhay na mayroong kakatwang anyo na di pangkaraniwan.
Tao man o hayop na makikita mong di-pangkaraniwan ay likha pa rin ng ating Panginoon at dapat lang na igalang at hindi katakutan.
Image was captured in Friday this year by AFP . Courtesy of Sunday Star, 19 April, 2009/World

Sunday, April 12, 2009

Food of the Month


BATCHOY
"adobong laman-loob ng Baboy"
Ito ay classic adobo na base sa laman-loob ng baboy. Stir-fried with ginger and garlic. Simply cooked with light soy sauce and local vinegar, garnished with green chili.
You can find it at
La Elisa's Fudhauz
Aveno St. Pob. 61 Real, Quezon
Philippines
See Ya!!

Station of the Cross

These images were taken at the backyard of this Church in Cheras, Malaysia during this Lenten Season 2009

Shots by Brenda and Lita






















Happy Easter Sunday to everyone...let us keep praying to Jesus.


See Ya!!

Wednesday, April 8, 2009

Mahal Na Araw

Every year ay ginugunita nating mga Kristiyano ang pagsasakripisyong ginawa ng ating mahal na Ama. Mula sa pabubuhat ng mabigat na Krus na gawa sa matibay na kahoy.

Hanggang sa burol. Ang pagpapako sa Kanya sa Krus
Sa mga kamay at paa
Nanatili Siya doon hanggang malagutan ng hininga. Ang lahat ng ito'y Kanyang tiniis alang-alang sa pagtubos sa lahat ng ating mga kasalanan.
Pieta. Si Jesus sa kandungan ng mahal na Ina ng Awa.


Pagkalipas ng tatlong araw ay muli siyang nabuhay at umakyat sa langit. Ngunit naiwan ang kanyang Ispiritu at mananahan sa ating mga Puso upang tayo'y kanyang alagaan.

Sa panahong ito ng Kuwaresma ay kumakatok siya upang siya'y alalahanin at magsisi sa mga kasalanan, magbalik-loob sa Kanya at pairalin ang pagmamahal katulad ng ginagawa Niya sa atin.


Let Us Pray Together...

(All pictures featured in this article are the courtesy of HollywoodJesus.Com)


See ya!!

Monday, April 6, 2009

"BANGKA" Fishing Boat

Standing and staring this scene made me took this view
from my prosumer camera with 7.2 mega pixels
under low sun light at about 6 pm.
Behind the bacground is a curved island that connecting to the town of Real Quezon until Dinahican, Infanta Quezon. Popularly known as "Balute".
This "Bangka" is used to be a Fisherman's best friend as it helps them to support their daily living.
Risks in life, challenging sunny, rainy, stormy out the Pacific Ocean they stays for almost a week for fishing.
Products from the sea are the biggest source of their foods and income.
~gilramas

See Ya!!

Monday, March 30, 2009

Snap-Shot To A Growing Innocent


Let them a way to the heart...


Giving a great smile for the brighter future...


Tomorrow is the great day to move on...


Leading a way to the new generation.


Kids from Real, Quezon

See Ya!!

Pinoy Sa Abroad: Sneak-Out

I took this view from my prosumer camera with 7.2 mega pixel in medim temperature of high noon with a low sunlight. I consider it a perfect shot.

I named a title of "Sneak-Out". A short escape between your time.

Because we were at the middle of working hours. We gathered and brought some foods in the park somewhere in Cheras, Malaysia. That was about lunch break.

A bit of refreshing and unwinding around the green leaves and trees. A great way of escaping and keeping yourself away from the crowded space and noisy machines in the city. A way for giving our minds and body to free and relax.

If you are busy in your work and feel grounded, then don't let the stress be in your body and mind. Sneak yourself out even once a week, fly and land in a green place and you'll be refreshed right after.

I assure you a 100% guaranteed satisfaction. Hehehehe...

Hello to Brenz, Litz, Mary "kulet", and Malou.

See Ya!!

Saturday, March 28, 2009

Phil's e-JEEPNEY


e-Jeepney or an electric powered jeep, panlaban nga ba sa polusyon at climate change?

Kuha ang larawang ito more than a year ago, na nabasa ko sa isang Malaysia newspaper at may naglaro sa isipan ko kung sakali't magiging ganito na lahat ang mga kotse e, t'yak magkakaroon din ang mga bus, then the boats, chopper and planes.

Pwede 'di ba? See the Light Rail Transit, it is working.

So, posibleng magkaroon na ako ng totoong remote control na car! Hehehe...


See Ya!!