Buwan ng Mayo. Usapin ukol sa mga Manggagawa, Summer Feasr, Tag-nit, Bakasyon sa eskuwela, Flores de Mayo, Piyesta ng mga Baranggay, Beach Camping/Outing, ilan lamang ang mga 'yan sa mga pinagkaka-abalahan sa tuwing sasapit ang Mayo ng mga Pinoy.
Itong buwan ang pinaka-busy kaysa sa Christmas seasons dahil sa dami ng events. At dahilan din sa tindi ng init na dala ng panahong ngayon ay tiyak na maiisip mong mag-out of town, ang iba'y nagtutungo sa mga malalamig na lugar sa ibang bansa o karamihan ay nagbababad sa mga malls, resorts, beaches, at malamig na tubig ng ilog.
Pero mayroon akong kakilala na ayaw niyang lumabas ng bahay kahit sa kainitan ng panahon. alam n'yo ba kung saan lang siya nagbababad?
Sa loob lang ng kanyang kuwarto. Walang aircon at isang maliit na binta lang ang tanging dinadaanan ng hangin. At sa panahong mainit ay gumagawa siya ng yelo o nag-iistak sa ref at bago siya matulog ay ibinubuhos niya lahat sa malaking BATYA at hahaluan ng konting tubig at doo'y lulubog siya na parang isdang may yelo. Hehehe...totoo po, dangan nga lang at di ko siya nakunan ng larawan. Marahil ay ganyan ang kanyang paraan kung paano i-beat ang INIT.
Sa mga bakasyonista, konting ingat lang po sa mga lugar na inyong pupuntahan lalot't hindi kayo sanay sa lugar.
Ganun pa man, Enjoy this May Summer...
Hahahaha...Sarap ng tubig na may yelo..!
See Ya!!
No comments:
Post a Comment