Ano ga? Welcome sa Year 2009
Bang! Boomm! Parakatakatakatakatak! Whisssttt…boom!
Yan ang mga sounds na kadalasang maririnig mo pagsapit ng hatinggabi sa pagpapalit ng taon sa tatlong sulok ng Pilipinas at sa ibang dako.
Nagdiriwang ang lahat ng tao, magkakaiba man ng relihiyon, upang salubungin ang pagpasok ng panibagong taon.
Welcome sa inyong lahat. At sana ay palarin tayo ng suwerte at maayos na pamumuhay sa taong 2009 kahit na alam natin at ramdam natin ang patuloy na paglaganap ng crisis sa ating mahal na Inang Bayan.
Pero sa kabila nun, patuloy din tayong nakikipaglaban sa sandamukal na problema ng ating pamayanan.
Problema sa ekonomiya.
Problema sa industriya.
Problema sa pinansiyal.
Problema sa transportasyon.
Problema sa edukasyon.
Problema sa komunidad.
Problema sa politika.
Problema sa pamilya.
Problema sa trabaho.
Problema sa kalusugan.
Problema sa palaruan.
Problema sa…sa…hay nakupo! Ang daming problema. Kaya ba nating labanan ang mga ito?
Palagay ko, HINDI, tanong ko sagot ko rin hehehe, I mean is kaya nating lutasin ang mga ‘yan KUNG meron tayo nito: ANO?
DISIPLINA. DISIPLINA. DISIPLINA. DISIPLINA. DISIPLINA. DISIPLINA.
And above that, wala na, yun lang ang matibay na solusyon. (sa aking palagay lang ‘to, pero kung meron pa kayong ibang palagay e, sana explore n’yo rin)
I still remember, at malinaw na malinaw pa sa aking balintataw (wow, lalim nun ah), alam ko kung saan ko lang nakikita ang salitang DISIPLINA. Hindi ko nakikita sa labas ng bahay kundi sa isang lugar lang na kung pansinin-dili “natin”.
Nung elementarya pa ako, madalas pinababasa sa amin ng teacher ang mga letrang
“DISIPLINA ANG KAILANGAN UPANG UMUNLAD ANG ATING BAYAN”.
Malinaw na nakatitik sa isang buong cartolina na may disenyo pa, naka-post doon sa itaas ng blackboard. Tanda ko’y si Dr. Jose Rizal ang author ng mga linyang ‘yan. Saka noon din, nakapaskil ‘yan sa harap ng daanan ng mga tao sa bayan namin. Andun pa kaya ‘yun?
“Ay awan nga laan at baka iyo’y naitumba na ng bagyo, hane.” Ngeek!
Hanep mga bros, tapon dito tapon doon, pila hindi barikada, nakapula na ang traffic light go pa rin, tumatawid kahit bawal tawiran. In short, alam nang MALI e ginagawa pa ring TAMA.
Tabi-tabi po, opinion ko lang po ang mga ito, bahala na po kayong umunawa sa mga titik na binabasa n’yo. Kase naman po kung magsisigaw ako sa kalsada para ipaliwanag ang salitang DISIPLINA e, baka naman pagkamalan na “crazy” ako. Kaya mas mainam nang magsisigaw ako dito sa site ko at least computer ko lang ang nakikinig sa akin. Hindi lang basta niya binabasa, ina-upload pa niya sa internet.
Hi hi hi hi hi hi…!
Sarap tumawa pag may freedom ka sa pagsasalita este! Pagsusulat pala.
Salamat sa pagkakaroon ng computer, ng internet, ng website na libre at least may freedom kang mailabas lahat ng mga ideya, opinion at emosyon. Di ko na kelangan umakyat sa bubong ng bahay namin para lang sumigaw ng…
“WAAAAAAAAHHHHHH…!!!!”
Hey, wait! Ano na ba ang topic ko? Layo na nito sa title ng blog ko. Gusto ko lang batiin kayo ng Maunlad at Manigong Bagong Taon, saka batiin ko yung family ko sa Real, Quezon, mga kaibigan ko doon sina Ohnad at Cecil, Benjie, grupo nina Embudz at Arnel, mga kainuman ko sa Hurnalan, kamag-anak ko dun, sina Engel sa Pasig, sina Cherrie sa Cavite, sina Dory sa Canada, kapatid ko sa Bulacan, Laguna at Bicutan,
Hey! Kayo dyaan, malapit na ako umuwi sa atin!!
Balik tayo sa New Year, sayang di ko masyado na-enjoy ang pagpapalit ng taon, may trabaho kase ako. Pero nagsalu-salo rin kami ng mga kababayan ko rito, may pasingaw kami, pansit (prosperity daw yun) mga prutas na bilog, bilo-bilo, at mga prutas na bilog! Tapos nun e ala na tulog na kami.
Dial dito, dial dyan, unfortunately wala akong natawagan sa pinas para bumati, busy daw ang line ng mga network. Gusto ko sana maka-update ng mga kaganapan sa atin, mostly nung New Year’s eve pero sorry na lang wala me nagawa. Tidur lah.
Ok, next time ulit magpangita sa site ko, may wish nga pala ako, gusto n’yo malama?
Eto, sana pag nagbakasyon ako sa Pinas e, makakita ako ng kahit konting DISIPLINA.
“hehehehe”, humirit pa!!
See Ya!!
-
No comments:
Post a Comment