Pages

Friday, February 19, 2010

In My Hometown


It's almost one month now nang dumating ako sa aming bayan. Real, Quezon. After a week, naisipan kong mag-open ng Lugawan (g0to) which is very famous sa aming lugar. I just occupied a small place sa restaurant ng Nanay ko. Nanghinayang kase ako sa espasyo, so I placed my Lugawan at Mami.


Ang plano ko ay para lang hindi ako mainip sa paghihintay ng tawag sa akin mula sa Company na pinagtrabahuhan ko sa Malaysia. But I almost busy every hour from my Lugawan.


My business name is mami@goto.com.
Here is one of my specialties.

Here is my Lugaw. We called it "Goto" sa aming lugar, taliwas sa "Gotong Batangas". Ang nasa larawan ay Goto Combo sa aking menu.

Lugaw + laman-loob ng baka + boiled egg + Chicharon baka on top. garnished with aromatic fried garlic, spring onions and calamansi.

additional condiments to enhance the taste are fine black pepper and "patis".

I'll show you some more of my menu....

See Ya!!

Saturday, January 9, 2010

YaY! 2010 na..!

YaY! almost 1 week over na ang nalagas sa pahina ng Enero sa taong ito, anu po. Hehehe...make smile naman tayo d'yan mga Bro's nang sa gayon ay mag-mukhang-di-hirap ang ating mga mukha, kahit na alam nating nangunguna sa problema ng buong mundo ang increased na bilang ng "unemployment".


Pangalawa, ang hatid ng Election at balik-ganti nito pagkatapos.

Nakupo! Ay 'wag nating pag-usapan yaan at baka mawala ang ating mga ngiti sa pisngi, hehehe...

MABUHAY PO at sana'y MALIGO tayo ng biyaya ng Maykapal sa taong ito.


See Ya!!

Wednesday, December 23, 2009

Pasko ng Pinoys Sa Abroad



Kapag narinig mo ang katagang PASKO, ano ang unang pumapasok sa isipan mo?

May mga kababayan akong tinanong tungkol dito at heto ang kanilang mga sagot:
(sinadya ko lang ibahin ang mga pangalan nila)

Jony: regalo sa mga inaanak.

Sandra: hay...kagastusan na naman...padala na naman ako ng...(ping!)

Duran: syempre regalo, handa at lam mo na...hihihi...

Greg, ako...? a, special para sa mga anak ko.

Santos: 'di na kami, naghahanda pag pasko, kumakain na lang kami sa restoran, at...

Andy: naninindig ang balahibo ko, hihihihi....

Fenie: wala lang...basta Pasko lang, ganun.

Gagay: s'yempre ito lang yung araw na dapat magkasama-sama ang buong pamilya kahit sa isang taun, pero hiwa-hiwalay kami, yung kuya ko sa London, Si Mama at dalawang kapatid ko nasa Davao, Si Papa at ate ko ko nasa Manila at ako nandito sa Hongkong, pag minsan sa Malaysia...(naiiyak na), wag na nga lang...

Jaya: masaya, tsaka s'yempre kelangan magregalo ka rin para biyayaan ka ni Lord...

Helina: Of course, naiisip mga x'mas tree, gifts, ibat-ibang ilaw, x'mas songs, marami...marami akong naiisip.

Kaye: naiisip ko pamilya kosa Pinas.

Raul: padala para panggastos sa Pasko nila sa Pinas.

Sabrina: padala ko sa mga bata, regalo, pera...ganyan lang tapos trabaho dito...

Gas: bahala na kung ano maisipan gawin sa Pasko...o kaya'y inuman, basta bahala na...

Kasoy: makikain na lang kung saan may handaan, hirap ng pera dito, Pare. hehehe...

Kayo mga Bro's, How?

HoHoHoHoHoHo......
(note) Some people within this photo are not "pinoys", like my friend from Nepal; and the mother & daughter from Myanmar, they joined and enjoyed in our x'mas party.

See Ya!!

Tuesday, December 22, 2009

Pasko Na Naman, O Kay Tulin Ng Araw...

...paskong nagdaan tila ba kung kelan lang...

Opo mga Bro's, ambilis ng araw ngayon, kelan lang eh Pasko at nagkakasayahan ng konte sa bahaykahit ilan lng kami dun, at ngayon ay heto na naman at mukhang magiging abala na naman sa pagluluto ang aking mahal na misis, katulong ako s'yempre sa paghahanda...hehehe tradisyonal nating kinagisnan yaan, ke porke meron kang bisita o wala ay kelangan nating painitin ang puwitan ng mga kaserola at kawali, magbalot ng mga regalo at maghanda ng maraming barya- hehehehe. Para daw ang swerte ay hindi magtampo sa tin sa pagpasok ng bagong taon.

Dito sa kinarororonan ko ngayon sa Malaysia, abala na rin ang mga Pinoys dito sa paghahanda sa Kapaskuhan, marami sa mga nagtatrabaho dito ay maagang humingi ng leave para sa kaarawan, may mga grupo na nagsasalu-salo sa isang bahay, mga religious community naghahanda in ng party at mga indibiduwal na itini-treat ang sarili sa labas.

Split muna ako mga Bro's...kita-kita tayo sa Pasko.

Maligayang Pasko sa inyong lahat...!

See Ya!!

Wednesday, December 16, 2009

Bulkan Mayon: Noon at Ngayon

Ang Mayon Volcano na matatagpuan sa South East Luzon ang pinaka-aktibong Bulkan sa Pilipinas. May taas na humigit-kumulang sa 2462 m, na nasa area ng Albay Gulf. Ayon sa historical record (batay sa nakuha ko sa Smithsonian: National Museum of Natural History), ang Dambuhalang Bulkang Mayon ay nagbuga na ng halos 40 beses ng mga nagbabagang bato O "lava" magmula noong 1616.


At ngayon ang panganib na muling pagsambulat nito ay nararamdaman na naman.

Sa mga residenteng naninirahan sa paligid nito marahil ay aware na sila tungkol sa panganib at mabuti na lang at maagap ang ating awtoridad sa pag-alarma sa bagay na ito.


Ang larawan ng Bulkang Mayon na nakikita n'yo dito ay kuha pa noong 1968 ni Kurt Fredrickson (Smithsonian Institute)


Mapapansin ang katiwasayan at katahimikan ng paligid nito kung nasa ganitong sitwasyon. Siya ay natutulog, ngunit nananatiling aktibo sa habang panahon.
Source: Smithsonian
National Museum of Natural History
Global Volcanism Program
See Ya!!

Monday, November 16, 2009

Silver Man


Kung tagurian siya'y "Silver Man".
Siya ay taong buhay at hindi taong rebulto. Isa ito sa mga atraksiyon na nakakatawag pansin sa mga lokal at dayuhan na namamasyal sa popular na lugar na ito, Bukit Bintang sa pusod ng Kuala Lumpur.

Kinulayan niya ng silver mula ulo hanggang paa ang kanyang buong katawan at pupuwesto siya na animo'y isang rebulto. Mapapansing may sumbrerong nakatihaya sa kanyang harapan na kulay silver din. At may dalawang babae na naka-pose sa magkabilang tagiliran, nagpakuha ng larawan at kapagkuwa'y naglagay ng pera ang dalawang babae sa sumbrerong nakatihaya sa harapan ng Silver Man.

Curious lang ako nun kaya't kinunan ko ng larawan ang senaryo. Lumitaw sa isipan ko na isang paraan ng taong ito ang ganitong eksena upang siya ay kumita. Simple at nakakapag-aliw siya sa mga dumadaan dito.

Hummn... tingnan mo nga naman, sa halip na magsuot siya ng marumi at punit na damit saka nakasalampak siya sa gitna ng daanan at hawak ang sumbrero, mas magandang ideya ang ganitong paraan na kanyang naisipan.

Pwede kong tawaging "the Art of Making Money" ang kanyang ideya, hehehe...

Okey! Patok ang taong 'to...! Oppsss! Gayahin kaya ng ilang kababayan natin ang raket ni Silver Man?

Sa palagay mo...?

See Ya!!

Wednesday, November 11, 2009

Mouse Kiosk?

Ang disenyo ng Kiosk na ito ay halaw (kung di ako nagkakamali) sa hugis ng mouse ng computer.
Cool di ba? Kakaiba.

Nakunan ko ng picture ito na nasa gitna ng Bukit Bintang, Kuala Lumpur.


See Ya!!