Pages

Monday, November 16, 2009

Silver Man


Kung tagurian siya'y "Silver Man".
Siya ay taong buhay at hindi taong rebulto. Isa ito sa mga atraksiyon na nakakatawag pansin sa mga lokal at dayuhan na namamasyal sa popular na lugar na ito, Bukit Bintang sa pusod ng Kuala Lumpur.

Kinulayan niya ng silver mula ulo hanggang paa ang kanyang buong katawan at pupuwesto siya na animo'y isang rebulto. Mapapansing may sumbrerong nakatihaya sa kanyang harapan na kulay silver din. At may dalawang babae na naka-pose sa magkabilang tagiliran, nagpakuha ng larawan at kapagkuwa'y naglagay ng pera ang dalawang babae sa sumbrerong nakatihaya sa harapan ng Silver Man.

Curious lang ako nun kaya't kinunan ko ng larawan ang senaryo. Lumitaw sa isipan ko na isang paraan ng taong ito ang ganitong eksena upang siya ay kumita. Simple at nakakapag-aliw siya sa mga dumadaan dito.

Hummn... tingnan mo nga naman, sa halip na magsuot siya ng marumi at punit na damit saka nakasalampak siya sa gitna ng daanan at hawak ang sumbrero, mas magandang ideya ang ganitong paraan na kanyang naisipan.

Pwede kong tawaging "the Art of Making Money" ang kanyang ideya, hehehe...

Okey! Patok ang taong 'to...! Oppsss! Gayahin kaya ng ilang kababayan natin ang raket ni Silver Man?

Sa palagay mo...?

See Ya!!

Wednesday, November 11, 2009

Mouse Kiosk?

Ang disenyo ng Kiosk na ito ay halaw (kung di ako nagkakamali) sa hugis ng mouse ng computer.
Cool di ba? Kakaiba.

Nakunan ko ng picture ito na nasa gitna ng Bukit Bintang, Kuala Lumpur.


See Ya!!

Todos Los Santos

Simula ng tayo ay maging Kristiyano, tayo ay naniwala nanampalataya sa kagalingan ng Poong Maylikha.
Naniniwala tayo na ang mga kaluluwa at espiritu ng mga yumao ay aakyat sa langit at mananahan sa Kaharian ng Maykapal.

At sila'y doon muling mabubuhay ng walang hanggan.
At sa mga kaluluwang nananatili sa lupa ay may mga dahilang hindi natin kayang ipaliwanag.
Kung kaya't tuwing sasapit ang ganitong season o araw ng pag-gunita sa kanila ay hindi natin nalilimutan ang ipagtirik sila ng kandila at ipagdasal ang kanilang katahimikan.



Ang mga larawang ito ay kuha mula sa St. John Cathedral na nasa patyo ng Bukit Nanas, Kotaraya, Kuala Lumpur noong uno ng buwang Nobyembre.
Pinupuntahan ng maraming Pinoy na nagtatrabaho sa bansang ito ang lugar na ito. Lalo't kapag araw ng linggo bilang araw ng pahinga sa trabaho.
See Ya!!