Pages

Friday, March 12, 2010

mami@goto.com

Since na umuwi ako galing sa Kuala Lumpur, Malaysia, kung saan ako ay napadpad upang hanapin ang aking kapalaran. Wala man akong dalang asenso sa aking buhay ay marami namang magagandang bagay akong natutunan at natagpuan.


Tulad halimbawa ng pamamaraan ng paghawak ng isang responsibilidad, maliit man o malaki. pagpapahalaga sa sarili, sa mga kaibigan maging siya man ay kakabayan o ibang lahi at pagkakaroon ng karagdagang kaalaman at mga bagong ideya sa larangan ng Food and Beverage Sevice.

Sa mga bagong kaalamang ito ay handa na ako sa pagpapatakbo ng isang negosyong kainan. Uumpisahan ko sa maliit na puhunan at tututukan ko ito hanggang sa makaya kong palaguin ito.

Noon pa ma'y may sinimulan na akong maliit na restaurant at ipina-manage ko sa mahal kong Ina na hangga ngayon ay kanya pang pinamamahalaan at patuloy na tumatakbo.

Sa susunod po uli...


See ya!!